Implementasyon ng curfew sa Quezon City, tuloy na
Tuloy na ang implementasyon ng curfew sa mga menor de edad sa Lungsod ng Quezon.
Ito ay matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang constitutionality ng ordinance number SP 2301 , series of 2014 na inisyu ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon na nagpapairal ng curfew sa mga menor de edad mula alas dies ng gabi hanggang ala singko ng umaga.
Pero ipinawalang- bisa ng Korte Suprema ang curfew ordinances sa mga Lungsod ng Maynila at Navotas dahil sa pagiging labag sa saligang batas.
Tinukoy pa ng Korte Suprema na ang Manila City ordinance at ang penal provisions nito na nagpapataw ng multa at pagkakakulong sa mga menor de edad ay kontra sa section 57-A ng juvenile delinquency Act.
Una nang pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng curfew ordinances sa mga menor de edad sa Maynila, Quezon City at Navotas City.
Ayon sa mga petitioner, napagkakaitan ng kalayaan at karapatang bumiyahe ang mga kabataan.
Hindi rin ikinonsidera sa curfew ordinances ang mga estudyanteng gabi na ang tapos ng klase at ang tagal ng oras ng biyahe.
Ulat ni: Moira Encina