Magkapatid na Parojinog, hindi pinayagan ng korte na makadalo sa huling lamay at libing ng kanilang mga magulang

Ibinasura ng Korte sa Ozamiz City ang hirit ng magkapatid na Parojinog na makapunta sa libing ng mga magulang at tiyuhin sa Lunes, Agosto 14.

Sa kautusan ni Ozamiz City Regional Trial Court Executive Judge Edmundo Pintac, hindi pinagbigyan ang mosyon nina Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid na si Reynaldo Junior na makadalo sa huling araw ng burol at libing ng mga magulang na sina Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at Susan Parojinog at ng tiyuhin na si Ricardo.

Binigyan bigat ng Korte ang rekomendasyon ng mga pulis dahil sa isyu ng seguridad kapag ibiniyahe sa Ozamiz ang magkapatid.

Batay sa intelligence report ng pulisya, posibleng magsagawa ng madugong pag-rescue ang mga supporters ng mga Parojinog kapag muli silang nakatuntong sa Ozamiz.

Tinukoy ng Korte na mataas pa ang emosyon sa pagitan ng mga tagasuporta at kritiko ng pamilya Parojinog kaya hindi malayong maging ugat ng marahas na engkwentro ang pagpunta nina Nova Princess at Reynaldo Jr. sa libing at  malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *