Walang pagtaas sa presyo ng mga manok sa kabila ng Bird flu outbreak-Malacañang
Sa harap ng deklarasyon ng pamahalaan ng Bird Flu outbreak sa lalawigan ng Pampanga, tiniyak ng Malacañang na walang mangyayaring pagtaas sa persyo ng mga manok sa mga pamilihan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na masusi nilang binabantayan ang presyuhan ng mga poultry products sa bansa at maging ang kalinisan at kalidad ng mga ito pati na ang mga negosyanteng posibleng manamantala sa sitwasyon.
Bagamat sinabi ng Department of Health o DOH na isolated case lamang ang bird flu sa bayan ng San Luis sa Pampanga, hinihimok ng Malacañang ang publiko na tiyaking hindi kontaminado ang mga karne ng manok na nasa iba’t-ibang mga pamilihan sa bansa.
Tiwala rin ang palasyo na mabilis na maaaksyunan ng Agriculture Department ang bird flu virus para i-isolate.
Sa ngayon nagtutulungan na ang DOH at DA sa bid flu investigation at flu vaccinations ganundin ang pamamahagi ng protective equipments para sa mga poultry handlers.
Nanawagan rin si Abella sa mga mamamayan na manatiling kamlado sa gitna ng outbreak ngunit maging mapagmatyag at alerto.