Guam, nagpalabas na ng Preparedness fact sheet kasunod ng planong missile attack ng Nokor

Nagpalabas na ng Preparedness fact sheet ang pamahalaan ng Guam bilang paghahanda sakaling ituloy ng North Korea ang banta nitong missile test sa nasabing bansa.

Paalala ng Guam, huwag direktang tumingin sa flash o fireball dahil ito ay nakakabulag at magtago sa anumang maaaring magbigay sa kanila ng proteksyon.

Kung natyempuhan namang nasa labas ng bahay at nangyari ang nuclear attack, pinayuhan ang lahat na hubarin ang damit upang maiwasang kumalat ang radioactive material.

Ang pag-alis kasi ng outer layer ng damit ay kayang magtanggal ng 90 porsyento ng radioactive material.

Pinayuhan rin ang mga residente na maghanda ng emergency plan at supply kits, gumawa ng listahan ng mga concrete structures na malapit sa kanilang tahanan, trabaho at paaralan na maaaring magsilbing fall-out sheets.

Tinuruan rin ang mga tao ng paghuhugas ng kamay sakaling makontamina ng radioactive material, huwag kukuskusin ang balat at gumamit ng sabon o shamppo at huwag conditioner dahil lalu nitong mapagdidikit-dikit ang kemikal.

Tinatayang nasa 163 libo ang populasyon ngayon sa Guam.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *