Nutritional feeding program para sa mga pre-school children, patuloy na isinasagawa ng DOH-MIMAROPA
Mahigit sa limang daang pre school children sa MIMAROPA ang target ng Department of Health sa naturang rehiyon na mapagkalooban ng nutrional feeding program.
Sinabi ni DOH MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo na natukoy na nila ang isang daang mga mag-aaral sa lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan na undernoursihed.
Layunin aniya na ma-improve ang nutrition status ng mga batang undernourished mula sa pagiging underweight o mas malala pa ang undernourished sa loob ng siyamnapung araw.
Ayon pa kay Janairo, ang full meal na nagkakakahalaga ng otsenta pesos bawat araw kabilang ang snack sa umaga ay ipagkakaloob sa mga piling mag aaral na may edad anim hanggang pitumput isang buwan na naitalang may mababang timbang at taas batay sa kanilang edad.
Kabilang sa piling munisipalidad na kasama sa programang tinawag na “oplan kain sigla” na nagsimula bilang “eat to nourish approach” ay ang Socorro, sa Oriental Mindoro, Abra de Ilog sa Occidental Mindoro, Sta. Cruz Marinduque, Sta . Fe sa Romblon at Aborlan sa Palawan.
Binigyang diin ni Janairo na ang 90 day program hindi kabilang ang sabado at linggo ay naglalayong maipagkaloob ang 30 – 50% ng total caloric need na pangangailangan ng undernoursihed pre schoolers ay sa pagitan ng 1,000 hanggang 1, 400 calories bawat araw.
Ulat ni: Anabelle Surara