Mga Pinoy sa SoKor at Guam inoobliga na ipaalam ang kanilang kinaroroonan sa embassy offials kaugnay ng bantang missile attack ng NoKor
Nananawagan ang pamahalaang Pilipinas sa mga Pinoy na nasa South Korea at Guam na makipag-ugnayan sa mga mga embassy official.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kailangang ipagbigay alam ng mga Pinoy sa South Korea at Guam ang kanilang eksaktong kinaroroonan.
Ayon kay Abella mahalaga na matukoy ang kinaroroonan ng mga pinoy upang mabilis na matulungan ang mga ito kung sakaling matuloy ang missile attack ng North Korecsa Guam.
Inihayag ni Abella na maging ang mga kamag-anakan ng mga Pinoy sa Pilipinas sa nabanggit na dalawang bansa na makipag-ugnayan din sa Department of Foreign Affairs upang magkaroon ng accounting.
Pinuri din ng Malakanyang ang mga embassy officials sa South Korea at Guam dahil sa kanilang mabilis na paghahanda ng mga contingency measures upang protektahan ang kapakanan ng mga Pilipino.
Umaasa pa rin ang Malakanyang na madadaan sa usapan ang tensiyon sa Korean Peninsula upang hindi na humantong sa madugong digmaan at magkaroon ng kapayapaan sa rehiyon.
Ulat ni: Vic Somintac