Budget para sa bakuna laban sa Japanese encephalitis, inilaan ng DOH
Ibat’ ibang uri ng sakit ang idinudulot ng kagat ng lamok ang pinakasikat o kilala ay ang Dengue.
Bukod sa Dengue, sinabi ni DOH Asst. Health Secretary Dr. Eric Tayag na kabilang pa sa mga sakit na kailangan ang lubos na pag iingat ay Malaria, Chikungunya, Zika Virus at Japanese Encephalitis.
Ayon kay Tayag, maraming lugar dito sa bansa ang napakalaki ng panganib na dapuan ng Japanese Encephalitis.
Kaya naman naglaan ng budget ang kalihim ng kagawaran para sa bakuna laban sa nasabing karamdaman.
Sinabi ni Tayag na ang mga taong may encephalitis ay maaaring makaranas ng lagnat, paninigas ng leeg, kombulsyon at pagkawala ng malay.
Delikado rin aniya ito dahil sa datos, isa sa apat na may encephalitis ang namamatay, umaabot naman sa kalahati ng hindi namatay ang nagkakaroon ng permanenteng kapansanan.
Ulat ni: Anabelle Surara