Plant based foods, makatutulong para maiwasan ang maraming sakit ayon sa mga ekspeto
Totoong masarap kumain, kaya nga ang iba nating kababayan, kain dito, kain doon, kaya nalilimutan ang kasabihang eat in moderation.
Kaya naman patuloy ang kampanya ng mga eksperto tungkol sa mga pagkaing dapat na kainin para maiwasan ang maraming uri ng sakit.
Ayon kay Dr. Roel Tolentino, isang Oncologist, mas mainam na kahiligan ang pagkain ng mga plant based foods dahil malaki ang maitutulong nito upang hindi dapuan ng hyperetension, diabetes, respiratory illness at cancer.
“Para ma maintain ung tamang health, napakaimportantena dapat po na ang ating kinakain ay ung tinatawag na plant based. Kung talagang gusto ninyong maging healthy, iwasan po ninyo ang red meat”. – Dr. Roel Tolentino, Oncologist
Tandaan natin ang laging sinasabi ng pantas na si Hippocrates na “let thy food be your medicine and medicine be thy food”.
Ulat ni: Anabelle Surara