Uber, hindi pa rin pinapayagang bumiyahe ayon sa LTFRB
Hindi pa rin pinapayagang makabiyahe sa lansangan ang mga miyembro ng Transport Network Vehicle Service na UBER.
Walang nabuong compromise agreement sa nangyaring dayalogo sa Senado kahit pa humingi na ng paumanhin ang Uber Philippines sa LTFRB.
Sa ginanap na dayalogo, nanindigan ang LTFRB na kailangang sumunod ang Uber sa mga ipinatutupad na proseso ng batas.
Naatasan rin ang Uber Philippines na maghain ng pleading sa LTFRB na posibleng isalang sa public hearing sa Miyerkules ng susunod na linggo.
Ayon sa Uber Philippines, iginagalang nila ang desisyon ng LTFRB pero apila nila, paspasan ang desisyon at i-convert na lamang sa cash penalty ang isang buwang suspensyon.
Handa rin silang magbigay ng pinansyal na ayuda sa mahigit animnaput walong libong mga driver na apektado ng ipinatupad na suspension.