Proper hygiene at paghuhugas ng kamay mabisang panlaban sa infections at virus ayon sa DOH
Nagpaalala ang DOH sa publiko na panatilihin ang proper sanitation sa paghahanda at pagluluto ng poultry products.
Kasunod ito ng pagtama ng bird flu virus sa libu-libong manok sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon kay DOH Asec. Eric Tayag, alam nila ang nararamdamang takot at pangamba ng publiko na kumain ng manok ngunit binigyang diin niya na basta lulutuin lang ng mabuti ang manok ay magiging protektado ito laban sa anumang bacteria o virus.
Muling binigyang diin ni Tayag ang proper hygiene at paghuhugas ng kamay ay epektibo at mabisang panlaban sa posibleng infections.
Ulat ni: Anabelle Surara
Please follow and like us: