2 Pinoy nasaktan sa terror attack sa Barcelona
Dalawang Filipino lang at hindi apat gaya ng unang napaulat ang nasaktan sa terror attack sa Las Ramblas District sa Barcelona Spain.
Itinama ni Consul General Dr. Emmanuel Fernandez ang una ng napaulat na tatlo ang nasaktan sa pag atake.
Sinabi ni Fernandez na kabilang sa mga Pinoy na nasaktan ang ama na si Norman Putot at ang kanyang limang taong gulang na anak na si Daniel.
Ipinabatid ni fernandez na ligtas naman ang inang si Federlita at isa pang anak na babae na kinilalang si Pearl.
Please follow and like us: