Pangulong Duterte inupakan ng oposisyon dahil sa mga kaso ng EJK samantalang pinayagan ang paglusot ng ng shabu sa BOC
Binatikos ng oposisyon ang kampanya laban sa droga ng Duterte administration matapos ang sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa droga sa Bulacan at Maynila ngayong linggo.
Kinuwetsyon ni LP President at Senador Francis Pangilinan kung bakit tila puro mahihirap ang tinatarget ng gobyerno samantalang walang ginawang hakbang laban sa pagpasok ng kilo-kilong shabu sa Bureau of Customs.
Malinaw aniyang pinapatay ang mga nakukunan ng sachet ng shabu samantalang pinapalusot ang tone-toneladang shabu.
Naniniwala si Pangilinan na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng Customs at mga negosyante kaya naipasok ang mahigit 6.4 bilyong shabu shipment mula sa China.
“Ang ugat ng problema sa droga wala sa mga maliit at mahihirap napinapatay araw-araw. Ang ugat ng problema sa droga ay doon nakita sa pagpuslit ng tonetoneladang shabu sa BoC ng mga sindikato kasabwat ang mga opisyal ng gobyerno. Ang paghuli sa mga nasa likod nung nasabing kaso ang dapat tuunan ng pansin ng gobyerno. Hindi makatarungan at mapang api sa mahihirap na kapag 2 o 3 sachet ng shabu pinaptay tapos tonetonelada ng shabu sa BoC pinapalusot, marami aniyang inosenteng sibilyan ang nadadamay pero walang napaparusahan sa mga tiwaling nakikipagsabwatan para mapalusot ang shabu. Isa sa tinukoy nito ang kaso ng pagpatay sa 17 anyos na si Kian Loyd delos Santos sa Oplan Galugad operation sa Caloocan city kung saan malinaw sa cctv footage na kinaladkad ito bago pinatay. Sabi ni Pangilinan napapanahon na para ituring na health issue at problema rin sa kahirapan ang drug addiction na dapat resolbahin ng gobyerno hindi sa pamamagitan ng mga pagpatay”. – Sen. Pangilinan
Ulat ni: Mean Corvera