Tropical storm “Isang”, napanatili ang lakas ayon sa PAGASA
Napanatili ng tropical storm Isang ang lakas habang patungo sa Pakanluran Hilagang Kanlurang direksyon.
Namataan ang sentro ng tropical storm sa layong 330 km East ng Basco, Batanes na may maximum sustained winds na 65 kph malapit sa gitna na may gustiness na 80 kph.
Dahil ditto, nakataas ang tropical cyclone warning signal number two (2) sa Batanes habang nasa signal number one (1) naman ang Babuyan Group of Islands.
Inaasahan namang makakalabas na sa Philippine Area of Responsibility si “Isang” sa Huwebes.
Nagbabala ang PAGASA na magdadala ito ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at ilang bahagi sa Visayas.