Melbourne, Australia itinanghal bilang “World’s Most Liveable city”

Sa loob ng 7 magkakasunod na taon, muli na namang itinanghal bilang Most Liveable City sa buong mundo ang Melbourne sa Australia.

Sa ulat ng Economist Intelligence unit sa Britanya, isa sa dahilan kung bakit itinanghal ang Melbourne bilang most liveable city ay dahil sa kanilang matatag na healthcare, edukasyon at imprastraktura.

Naging malaking puntos rin ang mababang antas ng kriminalidad sa lunsod kaya napanatili nito sa loob ng 7 taon ang pagiging top spot nito.

Sinabi naman ni Victorian State minister for tourism John Eren, ang Melbourne ay itinuturing na “best in everything” gaya ng pagkakaroon ng mga malalaking events, mahuhusay at kilalang mga pamantasan at maraming hanapbuhay.

Pangalawa at pangatlo naman sa listahan ang Vienna sa Austria, Vancouver at Toronto sa Canada.

Samantala, itinanghal naman bilang pang-lima sa world’s most liveable city ang isa pang lunsod sa Australia na Adelaide na nasa Western Australia.

Mula naman sa dating Top 10 ay bumaba sa pang-labing-isa ang Sydney dahil sa high cost of housing at terrorism threat.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *