Misuse o abuse ng antibiotic, malaking banta sa kalusugan ayon sa DOH
Maraming mga kababayan natin ngayon ang nakararanas ng pangamba at takot dahil sa bird flu outbreak na kauna unahan sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, Spokersperson ng Department of Health, hindi lamang ang bird flu outbreak ang dapat na katakutan ng publiko kundi maging ang tinatawag na Anti-Microbial Resistance o A.M.R.
Ang A.M.R. ay ang maling paggamit o pag abuso ng antimicrobial drug o antibiotics na maaaring ikamatay rin ng pasyenteng nakararanas ng antibiotic resistance.
Binigyang diin ni Tayag na ang A.M.R. ay isang banta sa kalusugan.
Samantala, noong 2015, nakapagtala ang World Health Organization ng labing apat na libong kaso ng drug resistant infections sa Pilipinas, kung kaya naman, naglunsad ang DOH ng antimicrobial stewardship program na maglalatag ng strategic framework at advocacy laban sa AMR upang mailapit ito sa healthcare professionals at maging sa publiko.
Ulat ni: Anabelle Surara