Senate probe sa nakalusot na shabu sa BOC, nagpapatuloy
Nagsimula na ang ikaapat na pagdinig ng Senado sa nangyaring smuggling ng mahigit animnaraang kilo ng shabu sa Bureau of Customs.
Pero no show sa hearing si Customs Commissioner Nicanor Faeldon na una nang sinibak sa pwesto ng Pangulo.
Dumalo naman sa pagdinig ang isang Nanie Koh o Tita Nani na sinasabing tumatanggap ng tara o lagay para sa mga opisyal ng Customs.
Pero nang iharap ito sa broker na si Mark Taguba, hindi ito ang Tita Nani na binibigyan niya ng lagay o tara.
Bukod kay Tita Nani, nasa pagdinig din ngayon ang isang Small Abellera na ayon kay Taguba ay isa sa umano’y miyembro ng Davao group na umano’y nakikialam sa operasyon ng Customs.
Ulat ni: Mean Corvera