Pilipinas pinagkalooban ng Tethered Aerostat Radar System ng US government
Binigyan ng United States government ang Pilipinas ng Tethered Aerostat Radar System o TARS ang Philippine Navy sa hangarin na mapalakas ang kapabilidad ng Maritime intelligence surveillance reconnaissance ng bansa .
Pinangunahan nina US Deputy Embassy Chief of mission to the Philippines Michael Klescheski at Philippine Navy flag officer in command Vice Admiral Joseph Ronald Mercado ang formal turn-over ceremony sa Naval Education and Training Command San Antonio, Zambales.
Ang nasabing radar system ay isang self-sustained, unmanned lighter-than-air systems.
Kaya nitong maka-detect ng maritime at air traffic sa loob ng mga coastal water ng bansa gamit ang mga sensor.
Bukod dito, magagamit din ito sa pagsasagawa ng humanitarian assistance and disaster response operations.
Nakapaloob din sa nasabing equipment ang weather station na nagbibigay ng telemetry data sa ground station para sa pagmomonitor ng temperatura, pressure, wind speed at iba pang mabisang parameters ng sistema ng operasyon.