Nasibak na si Customs Comm. Faeldon hindi pa lusot sa kaso ng pagkakapuslit ng ₱6.4B halaga ng shabu

Hindi pa rin abswelto sa kaso si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay ng nangyaring smuggling ng mahigit 600 kilo ng shabu sa Bureau of Customs mula sa China.

Ito’y kahit sinibak na ito sa pwesto ng Pangulo at pinalitan ni PDEA Director Isidro Lapena.

Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ngSsenate Blue Ribbon Committee,  dahil sapagpapatalsik kay Faeldon, maaring mabuksan na ang libro ng Customs at  matutukoy na kung sino ang mga nag-apruba para makalusot ang bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu.

Inamin naman ng PDEA na may mga personalidad na silang iniimbestigahan kung paano napalusot ang shabu shipment.

Natatagalan lang ang imbestigasyon dahil sa mabagal na paglalabas ng mga dokumento mula sa Customs.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *