Malakanyang dumistansiya sa impeachment case na isinampa laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista

Ayaw makialam ng Malakanyang sa impeachment case na isinampa laban Kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella walang official notice na nakarating sa Palasyo hinggil sa impeachment case na kinakaharap ni Chairman Bautista.

Ayon kay Abella walang magagawa ang Malakanyang sa usapin ng impeachment laban kay Bautista dahil ito ay isang Congressional duty.

Si Bautista ay sinampahan ng impeachment case sa Kongreso dahil sa hindi paglalagay sa kanyang SALN ng humigit kumulang isang bilyong pisong kuwestiyunableng yaman na ibinulgar ng kanyang asawang SI Patricia.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *