Imbestigasyon ng Senado sa pagkamatay ni Kian delos Santos, aarangkada na ngayong araw
Aarangkada na ngayong araw ang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pagpatay sa 17 anyos na si Kian Lloyd delos Santos sa Caloocan.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, tatlong testigo ang lulutang para idetalye ang nangyaring pagpatay kay delos Santos.
Bukod sa tatlong testigo, ipinatawag rin ang tatlong miyembro ng Caloocan police na itinuturong sangkot sa pagpatay.
Kumpirmado na ring dadalo sina PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa, mga kinatawan ng NBI, Department of Justice at PNP Internal Affairs Service.
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: