National Grid Corporation of the Philippines, magtataas ng singil sa kuryente
Nakaambang magtaas ng singil sa kuryente ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP .
Ito ay kapag tinanggal ang Value Added Tax o VAT exemption sa mga Government-Owned and Controlled Corporation o GOCC.
Ayon kay NGCP Assistant Corporate Secretary Ronald Concepcion, maaari nilang ipasa sa mga konsyumer ang dagdag na buwis kapag pinagbayad sila ng income tax at VAT.
Target naman ng Senado na tapusin ang committee report sa Tax Reform Bill sa unang linggo ng Setyembre.
Please follow and like us: