Bagyong Jolina lumakas pa at bahagyang bumilis habang papalapit sa Northern Luzon Area – PAGASA
Lumakas pa at bahagyang bumilis ang bagyong Jolina habang papalapit sa Northern Luzon Area.
Huling namataan ang bagyo sa layong 300 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ang bagyo ng pakanluran hilagang kanluran Northwest sa bilis na 19 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, maaaring mag-landfall sa Isabela-Aurora area ang bagyo mamayang gabi.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Isabela, Northern Aurora, Quirino, Kalinga, Mt. Province, Ifugao at Nueva Vizcaya.
Habang signal number 1 naman sa Cagayan, Babuyan Islands, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Benguet, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, Northern Quezon, Polilio Islands, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.