Justice Sec. Aguirre pinag-iinhibit sa imbestigasyon ng kaso laban sa suspek sa pagpatay kay Kian delos Santos

Pinag-iinhibit ni Senadora Risa Hontiveros si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pagtalakay sa kaso kaugnay sa pagpatay kay Kian delos Santos.

Ayon kay Hontiveros ito ay dahil sa pagbibigay ni Aguirre ng aniya’y one sided statements na malinaw na nagpapakita ng kanyang pagiging bias pabor sa mga pulis.

Kasabay nito, nanawagan si Hontiveros kay Aguirre na tigilan na ang panghihikayat sa mga testigo na sumailalim sa Witness Protection Program.

Sinabi pa ni Hontiveros na dahil sa mga pahayag ni Aguirre nawalan na ito ng kredibilidad  na hawakan pa ang kaso.

Kinumpirma ni Hontiveros na ang tatlong testigo na unang nasa kaniyang kustodiya ay kanya nang tinurn-over sa Senado at nananatili na ngayon sa isang safehouse.

Samantala, ipinarinig ni Hontiveros sa mga mamamahayag ang kanyang pakikipag-usap sa telepono sa ina ng pinakabatang saksi sa pagpatay kay delos Santos.

Nilinaw ng ina ng testigo na pumapayag siyang sumaksi ang kanyang anak sa kaso at maisailalim ito sa proteksyon ng Senado.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *