Mataas na rating ni Pangulong Duterte sa lobby firm Publicus Asia Incorporated ikinatuwa ng Malakanyang

Magsisilbing inspirasyon sa buong gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang mataas na ratings sa mga survey ng Pangulo tulad ng pinakahuling inilabas ng Publicus Asia Inc.

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar  kasunod ng pagiging most loving and decisive official ni Pangulong Duterte  base sa survey.

Sinabi ni Andanar na mula nang mag-umpisa  ang Duterte administration ay pinatunayan na ni Pangulong Duterte ang pagmamahal sa bayan tulad  na lamang ng pagtugon niya sa bawat malalaking kaganapan sa bansa.

Inihalimbawa pa ni Andanar ang agarang pag-uwi ni Pangulong Duterte habang nasa kalagitnaan ng official trip niya sa Russia nang unang pumutok ang Marawi siege kung saan iniwan niya ang mga mahahalagang pulong para pangunahan ang pagtugon sa problemang idinulot ng teroristang Maute group.

Wala ring  takot na tinutungo ni Pangulong Duterte ang mga delikadong lugar gaya ng Marawi City na talong beses niyang pinuntahan at Pampanga na naapektuhan ng bird flu kung saan kasama ng iba pang opisyal na kumain ng mga poultry products.

Binigyang diin  ni Andanar na si Pangulong Duterte ay leader na may paninindigan na siyang ginagaya ng mga miyembro ng gabinete nito.

Base sa inilabas na survey result ng Publicus Asia Incorporated nakuha ni Pangulong Duterte ang 90% decisiveness ratings na sinundan ni Vice President Leni Robredo na mayroon lamang  5% samantalang sa most loving official ay nakuha ni Pangulong Duterte ang 82%, caring a 79% ang concern samantalang 17% caring at 16% concern lamang ang nakuha ni Robredo.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *