Ombudsman, nagsagawa rin ng imbestigayon sa pagkamatay ni Kian delos Santos
Nagsagawa rin ng sariling imbestigayon ang Office of the Ombudsman sa kaso ng pagkamatay kay Kian delos Santos sa anti-drug operation ng Caloocan police.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, isang fact-finding investigation ang kanilang ginagawa, kaya welcome ang mga testigo at iba pang makakatulong sa ikalilinaw ng kaso.
Wala naman aniyang conflict kahit may mga imbestigasyon na rin ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Senado.
Giit ng anti-graft body, bahagi ng kanilang tungkulin na mag-imbestiga at magsampa ng kaso kung kailangan sa mga public officials na gumagawa ng mali at pag-abuso sa kapangyarihan.
Kabilang sa magiging target ng imbestigasyon sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda, pati na ang kanilang superiors sa isinagawang anti-drug operation sa Caloocan City.
Una nang iginiit ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre na hindi siya pabor na hawakan ng Ombudsman ang kaso.