Pag-abswelto sa 28 atleta na kinuha BOC bilang mga intelligence consultant, ipinagtanggol ni House Deputy Speaker Abu
Ipinagtanggol ng Kamara ang pag-abswelto sa 28 atleta na kinuha ng Bureau of Customs bilang mga intelligence consultant.
Ayon kay House Deputy Speaker Raneo Abu, labas sa pananagutan ang mga atleta dahil ang may kasalanan ay ang mga kumuha at nag-apruba ng kanilang pagkakatalaga.
Dagdag pa ni Abu, dapat ding managot ang nag-sertipika na pumapasok araw-araw at ginagawa ng mga ito ang kanilang trabaho gaya ng hinihingi ng Civil Service Commission.
Ito aniya ang dahilan kaya sa halip na mga atleta, si Atty. Mandy Anderson na Chief of Staff ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang inirekomenda nilang sampahan ng kasong multiple counts ng falsification of public documents at usurpation of authority sa DOJ.