Operasyon ng Uber, patuloy na tututukan ng LTFRB
Imo-monitor pa rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Uber Philippines ngayong balik na muli sa normal ang kanilang operasyon matapos magbayad ng multang 190 million pesos.
Ito ay upang matiyak na hindi sisingilin sa riding public ang malaking halaga na nawala sa kita ng Uber sa nakaraang labing limang araw na suspensyon.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, malaki ang posibilidad na manipulahin ng Uber ang “Algorithm” ng kanilang application tulad ng kakayahan nila na maglagay ng dagdag sa binabayarang pasahe ng kanilang mga mananakay.
Umaasa ang LTFRB na pantay at maayos ang gagawing pagtrato ng Uber sa kanilang mga pasahero.