National Prosecution Service bumuo na ng panel of prosecutors na hahawak sa kaso ni Kian delos Santos
Nagtalaga na ang National Prosecution Service ng panel of prosecutors na hahawak sa preliminary investigation sa kaso ng pinatay na si Kian Lloyd delos Santos.
Sa isang pahinang kautusan ni OIC-Prosecutor General Senior Deputy State Prosecutor Severino Gana, hinirang na miyembro ng panel sina Senior Assistant State Prosecutor Tofel Austria, Assistant State Prosecutor Amanda Garcia at Associate Prosecution Attorney Moises Acayan.
Ang binuong lupon ng mga piskal ang magdaraos ng preliminary investigation para matukoy kung may probable cause para isampa sa Korte ang reklamong murder laban sa mga pulis na dawit sa pagpaslang sa binatilyo.
Inaasahang sa mga susunod na araw ay magpapalabas na ang panel of prosecutors ng subpoena sa mga respondents para paharapin sa gagawing pagdinig sa kaso.
Ulat ni: Moira Encina