Bilang ng mga namatay sa bakbakan sa Marawi City, umakyat na sa 800
Sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philippines halos 800 na ang nasawi sa giyera sa Marawi.
Sa naturang bilang, 617 rito ay mga kalabang terorista, 133 ang mga tropa ng gobyerno habang 45 ang mga sibilyan.
Sa pagtaya ng militar, nasa 40 na lang ang mga kalabang terorista sa loob ng Marawi City.
Samantala,sa pagsapit ng ika-100 araw ng giyera sa Marawi City, nanawagan ang AFP sa publiko na patuloy na suportahan ang tropa ng pamahalaan para tuluyang maging malaya ang siyudad mula sa kamay ng teroristang Maute group.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, patuloy ang kanilang apela sa publiko na manalangin para mabilis na maresolba ang problema sa Marawi.