Ilang Navy officers na akusado sa pagpatay kay Ensign Philip Andrew Pestaño noong 1995, pinayagang makapagpiyansa ng Manila RTC

 

Makakalaya na ang walo sa sampung Navy officers at enlisted personnel na akusado sa pagkamatay ni Ensign Philip Andrew Pestaño noong 1995.

Ito ay makaraang payagan ng Manila Regional Trial Court Branch 6 ang mga ito na makapagpiyansa.

Sa desisyon ni Judge Jansen Rodriguez, inaprubahan ang bail petition nina retired Navy Capt. Ricardo Ordoñez, Commander Reynaldo Lopez, Commander Alfrederick Alba, Lt. Commander Luidegar Casis, Lt. Commander Joselito Colico, Machinery Repairman 2nd Class Sandy Miranda, Hospital Corpsman 2nd Class Welmenio Aquino at.Petty Officer 2nd Class Mil Leonor Igacasan.

Dalawangdaang libong piso na piyansa ang kailangang ilagak ng bawat isang mga akusado na nakakulong sa Manila City Jail.

Ayon sa resolusyon, bagaman may malakas na indikasyon na hindi suicide ang nangyari kundi may pumatay kay Pestano ay hindi masasabing ang lahat ng akusado ay salarin.

Sa November 9 naman itinakda ng Korte ang presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon.

Si Pestaño ay natagpuang patay sa loob ng kanyang cabin sa Philippine Navy cargo ship na BRP Bacolod na may tama ng bala sa kanang sentido noong September 5.

Sa imbestigasyon ng Navy, si Pestaño ay nagpakamatay.

Pero naniniwala ang kanyang pamilya na si Pestano ay pinatay dahil sa kanyang nadiskubreng anomalya sa loob ng BRP Bacolod kung saan mayroong  sakay na iligal na troso at droga.

Ang dalawa sa walong mga akusado na sina Lt. Commander Ruben Roque at Petty Officer First Class Carlito Amoroso ay nananatiling at-large.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *