Palainom ng kape sa umaga, hahaba ang buhay ayon sa pag aaral
Tunay na coffee lovers ang mga Pilipino, kaya naman may mga taong hindi kumpleto ang araw kapag hindi nakainom ng kape.
Sa buong mundo, ang kape ang karaniwang iniinom ng tao kumpara sa ibang beverages o inumin.
Sa kasalukuyan din, iba iba na ang uri ng kape, may brewed, may three in one, may herbal coffee at maraming iba pa.
Black coffee o coffee with cream, masarap ito sa panlasa ng mga Pinoy.
Ngunit alam ba ninyo na may lumabas na pag aaral na nakapagpapahaba ng buhay ang paginom ng kape lalo na sa umaga?
Ang resulta ng pag aaral ay ipinakita sa European society of Cardiology Congress sa Barcelona.
Sinasabi ng mga ekperto na siyang gumawa ng pag-aaral na ang mga taong umiinom kada araw ng apat na tasa ng kape ay bahagi ng healthy diet ng malulusog na tao.
Magkagayon man, nilinaw din sa nasabing pag aaral na bagaman ang kape ay iniuugnay sa all cause mortality, hindi pa ito naiimbestigahan ng Mediterranean country.
Ulat ni: Anabelle Surara