Presyo ng LPG, tumaas
Nagpatupad ng dagdag presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang mga kumpanya ng langis.
Epektibo kaninang hatinggabi ang dagdag na ₱2.74 sa bawat kilo ng LPG ng Petron.
Katumbas ito ng ₱30.14 na pagtaas sa bawat 11-kilogram cylinder.
May dagdag din ang Petron na ₱1.53 sa bawat litro ng kanilang Auto LPG.
Ang dagdag presyo ay kasunod ng paggalaw ng halaga ng langis sa world market.
Inaasahan namang sunod na ring mag-aanunsyo ng dagdag presyo sa LPG ang iba pang kumpanya ng langis.
Please follow and like us: