Ethics complaint laban kay Trillanes malabong makakuha ng suporta sa Senado
Magsasayang lang ng panahon si Senador Richard Gordon sa pagsasampa ng reklamo laban kay Senador Antonio Trillanes sa Ethics Committee.
Nauna nang nagbanta si Gordon na kakasuhan si Trillanes dahil sa umano’y pambabastos habang nagsasagawa ng pagdinig ang Senado sa pagkakapuslit ng shabu sa Bureau of Customs matapos tanggihan ang hirit niyang pagpapatawag kina Presidential son Paolo Duterte at Manases Carpio.
Pero duda si Trillanes kung makakakuha ng sapat na suporta ang reklamo laban sa kanya.
Maswerte na si Gordon kung susuportahan ng tatlo hanggang apat na Senador ang kaniyang reklamo.
Katwiran ni Trillanes maraming Senador na ang dismayado sa paraan ng paghawak at pag-iimbestiga ni Gordon sa mga isyu.
Nanindigan naman si Trillanes na walang masama sa kanyang ginawa dahil malinaw na may nais pagtakpan si Gordon.
Ulat ni: Mean Corvera