Preliminary investigation sa kaso ng pagpatay kay Kian delos Santos, itinakda ng DOJ
Nagpatawag na ang DOJ panel of prosecutors ng preliminary investigation kaugnay sa kaso ng pagpatay sa binatilyong si Kian delos Santos.
Sinabi ni Justice Undersecretary Erickson Balmes, itinakda ang pagdinig sa September 12 at September 19.
Inaasahang dadalo ang mga inireklamong pulis na sina Chief Inspector Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda na nahaharap sa kasong murder.
Makakaharap nila ang mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenza na nasa provisional coverage na ng Witness Protection Program, Public Attorney’s Office at mga kinatawan ng NBI na naghain ng hiwalay na reklamo.
Ang panel of prosecutors ay binubuo nina Senior Assistant State Prosecutor Tofel Austria, Assistant State Prosecutor Amanda Garcia at Associate Prosecution Attorney Moises Acayan.
Ulat ni: Moira Encina