Pagdinig ng Senado sa kaso ng pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos, naging emosyunal
Napuno ng emosyon ang pagdinig ng Senado sa kaso ng pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos.
Napaiyak si Chief PNP Ronald bato dela Rosa matapos kwestyunin ni Senadora Risa Hontiveros kung may ipinatutupad bang polisiya ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon.
Iginiit ni dela Rosa na walang utos ang Pangulo katunayang handa raw siyang magbitiw sa pwesto kung mapapatunayang may utos ang pPngulo na patayin ang lahat ng drug suspek.
Naiyak rin si PAO Chief Persida Acosta at iginiit na walang polisiya ang gobyerno na pumatay.
Depensa pa ni Acosta, nasa batas rin ang self defense bilang bahagi ng fulfillment of duty at hindi ito dapat gamiting batayan para akusahan ang mga pulis sa mga kaso ng extra judicial killings.
Ulat ni: Mean Corvera