Pangulong Duterte hindi makikialam sa nakatakdang pagdalo sa Senado nina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio
Hindi nagbigay ng legal advice si Pangulong Duterte kay Presidential son Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Presidendial son in law Atty. Manases Carpio asawa ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte Carpio.
Sinabi ng Pangulo na sinabihan lamang niya ang kanyang anak na si Polong na kung wala siyang kasalanan ay dapat itong dumalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.
Ayon sa Pangulo bahala na ang mga abogado nina Vice Mayor Polong at Atty. Carpio kung ano ang diskarte sa pagharap sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng usaping ng smuggling activities sa Bureau of Customs kung saan nailusot ang 6.4 bilyong halaga ng shabu na ang nasa likod umano ay ang sinasabing Davao group.
Si senador Antonio Trillanes IV ang nagpumulit sa Senate Blue Ribbon Committe na paharapin sa pagpapatuloy ng inbestigasyon sina Vice Mayor Polong at Atty. Carpio.
Ulat ni: Vic Somintac