War on Drugs ng Duterte Administration, huwag haluan ng pulitika- NCRPO Chief Oscar Albayalde
Walang kinalaman sa pulitika ang War on Drugs ng Duterte Administration.
Ito ang binigyang diin ni National Capital Regional Police office o NCRPO Chief Oscar Albayalde kasunod ng naging pahayag ni Senador Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado kahapon sa pagkakapatay sa menor de edad na si Kian Delos Santos.
Ayon kay Albayalde, hindi polisiya ng kasalukuyang administrasyon ang pagpatay sa mga drug suspect at hindi rin aniya nila tino-tolerate ang mga pulis kung sila man ay may pagkukulang o umaabuso.
” Ito ay basically Law Enforcement, huwag naman po sana nilang bigyan ng political color ito. Walang kinalaman ang pulitika dito at wala ring kinalaman ang Pangulong Duterte dito, basta ang utos nya tapusin na ang problema ng bansa sa iligal na droga pero hindi niya sinasabing pagpapatayin lahat yan. Ang importante po dito, ay ipinapakita natin sa taongbayan na hindi natin tino-tolerate ang mga pulis kung talagang nagkamali man o umabuso”.
Matatandaang sa pagdinig ng senador kahapon, naging emosyonal si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kasunod ng pahayag ni Senador Rosa Hontiveros na tila may polisiya ang pamahalaan na patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.