Philhealth packages ipagkakaloob sa mga dadapuan ng rainy season diseases

Naglaan ng benefit packages  ang Philhealth para sa mga miyembro nito at kanilang dependents na mao-ospital dahil sa mga tinatawag na rainy diseases.

Ayon kay Dr. Israel Pargas, Philhealth oOficer in Charge  at Vice President for Corporate Affairs ng Philhealth, kabilang sa mga rainy diseases na binabanggit ay mild to severe Dengue fever, Influenza at Leptospirosis.

Sinabi ni Pargas na para sa dengue ang benefit package ng dengue na walang senyales  ay sampung libong piso at para naman sa dengue na may senyales  ay 16,000 piso .

Sa Leptospirosis naman ang benefit package ay labing isang libong piso, sa Typhoid Fever ay sampung libong piso.

Nagkakaloob din ang Philhealth ng anim na libong piso para sa Cholera, at p11,800 para sa Hepatitis A.

Ang benefit package na nabanggit ay ibabawas sa kabuuang gastusin ng pasyente sa buong panahon na siya ay nasa ospital.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *