Sen. Trillanes, naghihiganti lang sa Pangulo kaya idinadawit sa anomaly sa BOC si Paolo Duterte
Naghihiganti lang si Senador Antonio Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya idinadawit ang anak ng Pangulo sa smuggling sa Bureau of Customs.
Ayon sa abogado ni Duterte na si Atty. Rainier Madrid, hindi napili si Trillanes para maging runningmate ni Duterte noong 2016 elections.
Gumagawa ng mga panibagong kasinungalingan si Trillanes laban kay Paolo Duterte dahil hindi nito napatunayan ang mga umano’y ill gotten wealth ng Pangulo na umaabot sa dalawang bilyong piso noong panahon ng kampanya.
Iginiit ni Madrid na attack dog si Trillanes at gumagawa lang ng mga propaganda para wasakin ang administrasyon.
Ulat ni: Mean Corvera