Pag-aresto ng Senado kay dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon, hindi natuloy
Pina-pull out na ng Senado ang arresting team na nagtungo sa bahay ni Captain Nicanor Faeldon.
Ayon kay Senador Richard Gordon Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, nagkaroon lang ng kalituhan.
Hindi dapat arrest order ang ibinigay kay Faeldon kundi ang notice na nasa ilalim na ito ng contempt at babala na ipaaresto ito kapag hindi sumipot sa imbestigasyon sa Lunes.
Paliwanag ni Gordon ang arrest order na pinirmahan ay stand by para sa Lunes sakaling hindi ito sisipot.
Inako naman ni Senate Sgt at Arms retired General Jose Balajadia ang pagkakamali.
Nag over-eager lang sia nang matanggap ang arrest order na pirmado ni Senate President Aquilino “ Koko” Pimentel.
Ulat ni: Mean Corvera