Faeldon, boluntaryong susuko sa Senado sa Lunes, nanindiga ding hindi dadalo sa hearing
Nanindigan si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na hindi haharap sa pagdinig ng Senado, pero boluntaryong susuko sa Senado sa Lunes.
Una rito, ipina- cite in- contempt si Faeldon ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon dahil sa kabiguang makadalo sa hearing ng ₱6.4-billion shabu shipment mula sa China na naka- puslit sa BOC.
Kagabi ay nilagdaan ni Senate President Koko Pimentel ang arrest order laban kay Faeldon at aarestuhin na sana ng mga tauhan ng Sargeant-at-Arms ng Senado.
Dakong alas nuebe ng umaga ay nagtungo na ang mga tauhan ng Sgt-at-Arms ng Senado para isilbi ang arrest order laban sa dating Customs Chief.
Pero matapos magkausap ay agad ding umalis ang mga tauhan ng Sgt-at-Arms ng Senado.
Pero sa pagharap ni Faeldon sa media, sinabi nito na hindi siya dadalo sa hearing ng Senado sa halip ay boluntaryong magpapa-aresto lamang.
Paliwanag ng dating Customs Chief, nakalilito aniya ang mga tanong ng mga Senador na nakakasira sa kanyang pamilya.
Sa kabila nito, iginiit ni Faeldon na nirerespeto nito ang Pangulo, Senado, at si Senador Richard Gordon.
Ulat ni : Pia Okut