Senado sinigurong mabibigyan ng sapat na panahon si Captain Faeldon para hindi na mauwi sa arestuhan
Tiniyak ng Senado na mabibigyan ng sapat na panahon at pagkakataon si Captain Nicanor Faeldon para magpaliwanag.
Sa harap ito ng naudlot na pag aresto kay Faeldon dahil sa hindi pagsipot sa imbestigasyon ng Senado.
Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee, tutol rin siya na ipahiya si Faeldon sa pamamagitan ng pwersahang pagbitbit sa kanya ng Senate security.
Iginiit ni Gordon na hindi dapat mailihis ang isyu at kailangang ipaliwanag ni Faeldon kung paano naipuslit ang 604 kilos ng shabu at sino ang mga tumanggap ng tara para makalusot ang kargamento sa Bureau of Customs.
Pero kung magmamatigas si Faeldon mapipilitan aniya ang Senado na ipaaresto at ipakulong ito.
Ulat ni: Mean Corvera