Mga magulang ni Reynaldo de Guzman isinailalim na ng DOJ sa WPP

Isinailalim na ng DOJ sa provisional coverage ng Witness Protection Program ang mga magulang ng binatilyong si Reynaldo de Guzman na natagpuang patay sa Gapan, Nueva Ecija.

Ito ang kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Acosta na  tumutulong sa pamilya sa aspetong legal para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni de Guzman na  tadtad ng saksak ang katawan

Ayon kay Acosta, ipoproseso nila na mailagay sa permanent coverage ng WPP sina Eduardo at Lina Gabriel pagkatapos mailibing ang anak ng mga ito sa susunod na linggo.

Ang menor de edad ang sinasabing huling nakasama ni Carl Angelo Arnaiz nang gabi na ito ay mapatay ng mga pulis matapos umanong  mangholdap.

Samantala, kinumpirma rin ni Acosta na nasa full coverage na ng WPP ang mga magulang ni Arnaiz na sina Carlito at Eva.

Ilan sa mga benepisyo na tatanggapin ng mga nasa WPP ay  safehouse, security, monthly allowance at livelihood.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *