Major Disaster declaration sa Florida inaprubahan ni US President Donald Trump kasunod ng pananalasa ng Hurricane Irma

Matapos muling tumama sa kalupaan ng Florida, ibinaba na sa Category 2 storm ang nasabing bagyo.

Magkagayunman, itinuturing pa rin itong mapanganib at mapaminsala.

Binayo ng malalakas na hangin ang Southwest ng Florida at itinaas ang babala ng storm surges sa mga coastal areas.

Ipinalabas rin ang storm surge warnings para sa Keys at Tampa Bay.

May itinaas ring surge warnings sa North Miami beach at sa baybayin ng South Santee river at Jupiter inlet.

Sa ngayon, umaabot na sa 28 ang nasawi sa pananalasa ng hurricane sa Carribean at inaprubahan na ni US President Donald Trump ang major disaster declaration sa Florida.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *