Bagyong Lannie, pumasok na sa teritoryo ng Pilipinas

Pumasok na sa teritoryo ng bansa ang Bagyong Lannie na may international name na Talim.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong isang libo at tatlong daang kilometro sa Silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na isang daan at dalawampung kilometro bawat oras at pagbugsong aabot naman sa isang daan at apatnaput limang kilometro bawat oras.

Ang Bagyong Lannie ang magdudulot ng malakas na ulan sa dulong bahagi ng Luzon.

Samantala , isa pang sama ng panahon ang nakita ng PAGASA sa apatnaraang kilometro ang layo sa Silangan ng Quezon.

Ang nasabing weather disturbance ang magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Southern Luzon, Central Luzon, Metro Manila, Bicol Region at Aurora provinces.

Nagbabala rin ang PAGASA ng malalaking alon sa mga nabanggit na lugar.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *