Blue Ribbon Committee babalangkas na ng Committee report sa pagpapalusot ng shabu, kasong negligence irerekomenda laban sa mga opisyal ng Customs
Irerekomenda na ng Senado ang pagsasampa ng kasong negligence laban sa matataas na opisyal ng Bureau of Customs.
Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng komite, bunsod ito ng kapabayaan partikular na si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon kaya nakalusot ang mahigit animnaraang kilo ng shabu noong Mayo at 890 kilos ng shabu noong Disyembre ng nakaraang taon.
Kasama sa mga pakakasuhan dahil sa kapabayaan sina Deputy Commissioner Gerardo Gambala, resigned Intelligence Chief Niel estrella, Milo Maestrecampo, Director ng import assessment service at Larrybert Hilario ng Management Office.
Bahagi aniya ito ng preliminary report kasama ng rekomendasyong sampahan ng kasong criminal ang mga direktang sangkot sa pagpasok ng shabu
Kinabibibilangan ito ng mga negosyanteng sina Richard Tan, Many Li, Mark Ruben Taguba at iba pang nag-broker para maipasok ang kargamento kaya nina alyas Tita Nani at Jojo Bacud na umano’y consultant ni Faeldon.
Isasama rin sa final report ang rekomendasyon para sa posibleng kaso laban sa mga opisyal dahil naman sa pagtanggap ng tara o lagay sa Customs.
Ulat ni: Mean Corvera