Senado nagbanta ng re-enacted budget sa 2018

Nagbanta ang oposisyon sa Senado na isusulong ang re-enacted budget sa 2018.

Ito’y kapag hindi ibinalik ang orihinal na 678 million pesos na panukalang pondo ng Commission on Human Rights.

Tinawag pa ni LP President at Senator Francis Pangilinan na isang malaking kalokohan ang hakbang ng Kamara dahil nangangahulugan na ito ng tuluyang pag-abolished sa ahensya.

Sa halip na buwagin, iginiit ni Pangilinan na dapat pa ngang palakasin ang CHR dahil sa sangkatutak na bilang ng mga napapatay na hinihinalang kagagawan ng mga abusadong miyembro ng PNP.

Iginiit naman ni Senador Sonny Angara na dapat tustusan ng gobyerno ang pangangailangan ng CHR dahil kundi sa kanilang trabaho, hindi sana madidiskubre ang sikretong detention cell sa Maynila kung saan ikinulong ang mga babae at mga bata.

Paalala ni Angara, ang CHR ang nagsisilbing check and balance para matiyak na napoprotektahan ang constitutional rights ng mamamayan.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *