Mga Kongresista kinampihan ni Sen. Sotto sa pagbibigay ng 1k budget sa CHR

Naiintindihan ni Senate Minority Leader Vicente Sotto ang desisyon ng Kamara na bigyan ng isang libong pisong budget ang Commission on Human Rights para sa 2018.

Ayon kay Sotto, maaaring napikon ang mga Kongresista sa paulit ulit na banat ng CHR sa kampanya ng gobyerno sa iligal na droga.

Hindi aniya magandang tignan na kumukuha ito ng sweldo at pondo sa gobyerno at taumbayan pero puro pintas at banat ang ginagawa laban sa pamahalaan.

Para kay Sotto sa halip na bumanat kung may hindi nagugustuhan si CHR Chairman Chito Gascon sa pamamalakad ng gobyerno dapat na itong magbitiw sa pwesto.

Pero kung hindi aniya ito magbibitiw sa pwesto payo ni Sotto, tumigil na ito sa pagbanat sa ipinatutupad na patakaran ng Pangulo.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *