Patas na pagtrato sa impeachment complaint na kinakaharap ni CJ Sereno, tiniyak ng House Justice Committee
Mananatili pa rin ang impartiality at patas na pagtrato ng impeachment complaint na kinakaharap ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang tiniyak ng liderato ng Justice Committee ng House of Representatives na dumidinig ng reklamo.
Ayon kay House Justice Committee Chairman Oriental Mindoro Rep. Rey Umali, sinang-ayunan naman ng kampo ni Sereno ang takbo ng ginawa nilang paghimay sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Larry Gadon at iba pa sa Kongreso.
Giit pa ni Umali hindi niya pahinhintulutan na mabahiran ng kontrobersiya ang magiging –takbo ng imbestigasyon ng kaso ni Sereno.
Please follow and like us: