Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno,kailangang sagutin ang inihaing impeachment complaint laban sa kaniya- Cong. Reynaldo Umali
Hihintayin muna ng komite ang sagot ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago nila simulan ang imbestigasyon at pag-aaral kung may probable cause ang inihaing impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado.
Ito ang sinabi ni Mindoro Oriental Congressman Reynaldo Umali sa panayam ng programang Issue Ngayon ng DZEC Radyo Agila.
Ayon kay Umali na siya ring chairman ng House Committee on Justice, saka na rin nila itatakda muli ang pagdinig sa kaso ni Sereno matapos matanggap ang sagot ng Punong Mahistrado.
“Una muna yung report ng komite which yan ay be submitted within 60 session days at yan ay pagtitibayin ng Plenaryo. Magbobotohan po kami at gagawin yung articles of impeachment para po i-file na sa Senado”.